Ako ang iyong anak, Ina.
Na ‘di galing sa sarili kong Ina.
Mga anghel ng Diyos ang nagdala
Sa sinapupunan mula sa kalangitan
At binuhay sa ‘yong tiyan.
‘Di galing sa sarili kong Ina;
Ninais ito ni Bathala.
Labis ang kaligayahan
Sa bagong kweba ng pagmamahal,
Dito sa’yong sinapupunan
Natutulog ng mahimbing.
Pinanonood ng mga anghel.
Habang nagdarasal
Na ako’y laging ligtas
Sa pagkapanganak dito sa mundo.
Nag eensayo ng mga awitin
Makalangit, sa’king pagdating.
Habang tulog sa’yong sinapupunan
Mga anghel, laging dumadalaw
Hindi mo alam, mahal kong Ina.
Masaya sanang ipanganak
Nang madama man lang.
Gusto kong ngumiti
Gusto kong kumanta
Gusto kong maglaro
Gusto kong dumede sa’yo
Hanggang sa ika’y matuwa.
Gusto kong makita ang ‘yong mga ngiti
Habang dumedede sa’yo.
Ito lamang ang aking mga pangarap, Ina.
Ngunit sa isang kaysakim sa araw
Naisip mong patayin ako.
Narinig ka ng mga demonyo.
At agad na dinala ang pagkalakas lakas na tambol
Tumugtog ng maka-demonyo.
Lahat sila, nagkaisa,
Nagsilapitan, nagsisayawan, paikot-ikot,
Lumulukso at kumakanta.
Sumayaw sila nang nakapila.
Sumayaw sila nang paikot.
Sumayaw sila sa kanilang mga paa.
Sumayaw sila sa kanilang mga ulo.
Kumakanta ng pagkalakas lakas na mga awit,
Mga demonyong tumatambol
Kaysaya ng buong impiyerno,
Na pinili mong patayin ako.
Alam mo ba kung gaano ang aking pag-iyak?
Alam mo ba kung gaano ang pag-iyak ng mga anghel?
Alam mo ba kung gaano nagluksa ang buong kalangitan
Sa araw ng aking kamatayan
Sa iyong sinapupunan?
At sa isang saglit bago ako nawala,
Namasdan ko ang kaawa-awang pag-iyak ni Bathala.

Similar Posts

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *