Ang buhay na totoo,
Walang hanggan at lubos.
Ituon ang paningin
Sa langit na tahanan;
Laging alalahanin
Ang bagong lupa’t bayan.
Sa puso ay itatak
Ang gantimpalang tunay;
Mundo man ay mawasak,
Tayo’y magpakatibay.
Sa isip ay itanim
Ang gintong Bayang Banal;
Manalanging taimtim
Lakip ang pagmamahal.
Huwag mababalisa,
Sa Ama ay dumaing;
Ilagak ang pag-asa
Sa biyayang darating.
Topic: Poem (Grace)
Form: Tanaga

Similar Posts

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *